Mayroong karagdagang 64 na Filipino mula sa ibang bansa ang gumaling sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa nasabing bilang ay mayroon ng 2,295 na mga Filipino sa ibang bansa gumaling mula sa nasabing virus.

Pumapalo na rin sa 5,401 ang bilang ng mga Filipino sa ibang bansa ang nadapuan ng nasabing virus na mayroong 12 bagong kaso.

Nasa 380 na rin ang bilang ng mga Filipino na nasawi matapos madapuan ng virus.