Agad na umani ng mga reaksiyon sa mga Pinoy basketball fans matapos mabalitaan na kumpirmado na ang pagtungo muli sa Pilipinas ng NBA superstar na si Stephen Curry ng Golden State Warriors.

Una nang inanunsyo ng isang kilalang sports aparrel na ang three time NBA champion at dalawang beses na naging Most Valuable Player ay nakatakdang dumating sa Pilipinas sa September 7.

Kung sakali ito na ang ikalawang beses na pagbisita sa bansa ng itinuturing na isa sa “greatest point guard” ng NBA.

Unang tumungo ng Pilipinas si Curry, 30, noon pang September 2015, matapos makuha ng Warriors ang una nilang NBA championship.

Sa pagkakataon ngayon bahagi ang Pilipinas ng 3-nation Asian tour ni Curry kasama na ang Wuhan sa China at ang Tokyo, Japan.

Samantala, idinaan naman ng ilang mga Pinoy fans ang kanilang excitement sa pamamagitan ng social media.

Ang ibang mga fans ay nagtatanong na kung saan makakahagilap ng tickets.