-- Advertisements --
image 445

Narekober ng mga eksperto ang mga hinihinalang labi ng mga sakay ng Titan submersible, ayon sa US Coast Guard.

Ito ay matapos na marekober at maiahon na sa lupa ang mga debris ng naturang submersible sa halos isang linggong international search and rescue operations para rito.

Sa isang pahayag ay sinabi ng US Coast Guard na ang mga nakolektang debris mula sa naturang submersible ay dadalhin sa isang US port kung saan magsasagawa ng kaukulang analysis at testing ang Marine Boad of Investigation.

Habang magsasagawa naman ng formal analysis sa mga pinaniniwalaang bangkay ng mga sakay nito ang mga medical professionals ng Estados Unidos.

Sa bukod naman na pahayag, sinabi ng Pelagic Research Services, na matagumpay nitong nakumpleto ang kanilang ikinasang offshore operations”, at kasalukuyan na silang nasa proseso ngayon ng demobilisasyon na tanda ng nalalapit na pagtatapos ng kanilang misyon.

Kung maaalala, sakay ng naturang Titan submersible ay ang British explorer na si Hamish Harding, French submarine expert Paul-Henri Nargeolet, Pakistani-British tycoon Shahzada Dawood at ang kanyang anak na si Suleman, at Stockton Rush, CEO ng operator ng sub na OceanGate Expeditions.

Samantala, tumanggi namang magkomento ang mga opisyal ng Canada hinggil sa pagkakarekober sa mga debris ng Titan submersible.