-- Advertisements --

Nasira ang isang automated counting machine (ACM) matapos buhusan ng tubig ng isang poll watcher sa isang polling precinct sa Marawi City ngayong Lunes ng umaga, sa nagpapatuloy na halalan 2025.

Ayon sa ulat agad na rumesponde ang mga pulis ng Marawi City, ngunit tumakas na ang poll watcher bago pa sila dumating.

Kinumpirma ng technician mula sa Commission on Elections (COMELEC) na nasira ang makina dahil sa insidente.

Ang nasabing ACM ay nakatalaga sa apat na pinagsamang presinto para sa mga evacuee ng Marawi siege sa Barangay West Marinaut at Barangay Sagonsongan.

Pansamantalang nahinto ang pagboto sa lugar, ngunit agad itong ipinagpatuloy matapos dumating ang kapalit na counting machine.