Umapela ang Civil Service Commission (CSC) sa mga Pilipino na gamitin ang karapatang bumuto sa araw ng halalan (May 12).
Sa inilabas na mensahe ng komisyon, hinikayat nito ang mga Pilipino na makibahagi sa election process at maging aktibo sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.
Hinihikayat din ng komisyon ang publiko na sundin ang tamang voting procedure para masigurong maayos at mapayapa ang midterm elections.
Pinayuhan din ng CSC ang mga senior citizen, persons with disabilities, at mga buntis na agahan ang pagtungo sa mga presinto dahil sa pinapayagan na silang makaboto mula alas-5 ng umaga.
Inirekomenda rin ng CSC ang paggamit sa Comelec Precinct Finder para magiging mas madali ang pagtukoy sa mga tutunguhing presinto, kasabay ng pagpapa-alala sa paglalagay sa mga kinakailangang impormasyon tulad ng pangalan, date of birth, at place of registration.
Paalala pa ng komisyon, ang regular voting hours ay mula 7 a.m. hanggang 7 p.m kaya’t mahaba ang pagkakataon ng bawat botante na humabol sa mga votict precint at pumili ng mga kandidato.
Una na ring idineklara ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Mayo-12 bilang special non-working holiday upang bigyang-daan ang mga botante na makibahagi sa national and local elections.