-- Advertisements --

Buhos ngayon ang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos payagan nang bumiyahe ang mga commercial flights ngayong nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Pero pagdating ng mga pasahero sa NAIA lalo na sa Terminal 3 ay mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga protocol para sa mga paparating na pasahero.

Lahat ng mga dumadating na pasahero ay kinukuhanan ng temperatura at mahigpit din ang pag-check sa mga bagahe ng mga ito.

Base sa desisyon ng IATF, hindi na kailangang sumailalim sa covid test ang mga paparating na pasahero ngunit pinapayuhan na lamang ang mga ito na mag-home quarantine.

Kahapon nang tuluyan nang payagan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang pagbiyahe na ng mga commercila flights mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa patulong Metro Manila tatlong buwan matapos ipatupad ang kanselasyon ng mga commercial flights.

Una rito, sinabi ni Department of Transportation (DoTr) Sec. Arthur Tugade na nagpalabas na si National Task Force Chief Implementer Sec. Carlito Galvez ng kautusan na nagsasaad na pahintulutan ang domestic commercial aviation.