-- Advertisements --
Ilalathala ng Anti-Terror Council (ATC) bukas ang mga pangalan ng mga terorista sa ating bansa, bilang kampanya ng gobyerno laban sa anumang aktibidad ng mga ito.
Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., isasapubliko ito bilang parte ng awareness campaign.
Wala rin daw nakikitang mali rito ang ATC, dahil mayroon naman silang hawak na supporting informations.
Samantala, kanina ay ipinagpatuloy ang oral argument ukol sa Anti-Terror Law.
Nagpukol ng mga tanong ang mga mahistrado kay Assitant Solicitor General Marissa Galandines, kung saan isa sa naging paksa ang warrant less arrest issue.