-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Fernando Hicap, Pambansang Lakas ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), na hindi ang mga mangingisda ang dahilan ng mataas na presyo ng isda sa pamilihan.

Giit niya, wala sa katwiran at artificial ang pagtaas ng presyo ng isda dahil wala namang kakapusan ng supply.

Ayon kay Hicap, traders ang nagtatakda ng presyo ng isda sa pamilihan kaya maging sila ay nagtataka sa sobrang taas ng presyo ng produkto.

Tumaas umano ang halaga ng isda sa merkado, gayong pareho pa rin naman ang bili sa kanila ng mga negosyante.

Nananawagan ang pamamalakaya sa gobyerno na aksyunan ang pananamantala ng mga trader.

Nabatid na sa kasalukuyang bentahan, mas mahal pa ang kilo ng galunggong sa nabibiling karne ng baboy at manok.