Pormal ng nakapag-file ng civil case ngayong araw ang pamilya ng mga nasawi sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) road crash sa Quezon City Hall of Justice laban sa Solid North Inc, presidente ng kumpanya at driver ng bus.
Sinamahan sila ni Department of Transportation (DoTr) Secretary Vince Dizon sa pag-file ng kaso dahil bahagi ito ng hakbang ng departamento na bigyan ng hustisya ang mga biktima ng naturang road crash.
Nasa Php 50 milyong danyos ang hinihingi ng pamilya para sa pagkamatay ng mga biktima, pati na para sa loss of income at moral and exemplary damages.
Nagsampa rin ng civil case ang mga pamilya ng iba pang mga biktima ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) road crash sa korte sa Antipolo City, kung saan Php 80 milyong danyos naman ang hinihingi ng mga pamilya.
Pagtitiyak ni Dizon sa publiko na plano nilang repasuhin ang mga regulasyon kung bakit humantong sa aksidente na ito. Naniniwala kasi siya na maiiwasan naman ang nangyaring road crash kung tama lang ang naging pamamalakad ng bus company.