-- Advertisements --

Tatagal pa ang epekto ng bagyong Agaton sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ayon sa Pagasa, halos walang pag-usad ang bagyo sa nakalipas na mga oras at parehong mga lugar pa rin ngayon ang inuulan at binabaha.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa coastal waters ng Marabut, Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 60 kph.

Signal No. 1:
Southern portion ng Masbate (Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, Cawayan); Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northeastern portion ng Cebu (Daanbantayan, San Remigio, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) kasama na ang Camotes Island, eastern portion ng Bohol (Getafe, Talibon, Bien Unido, Trinidad, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Mabini) Surigao del Norte at Dinagat Islands