smog singapore

ILOILO CITY – Labis na nababahala ang mga overseas Filipino workers (OFW) sa Singapore dahil sa smog na dulot ng forest fire sa Indonesia na umabot na rin sa Malaysia.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo international correspondent Mercy Saavedra Cacan direkta sa Singapore, sinabi nito na ilang araw nang nababalot ng smog ang buong Singapore.

Ayon kay Cacan, kailangan na nilang magsuot ng mask tuwing lumalabas dahil masakit sa ilong ang kanilang nilalanghap na hangin.

Maliban dito, nakakatuyo at mahapdi sa mata ang nsmog kaya marami na rin ang bumibili at gumagamit ng eyedrops.

Napag-alaman na bumaba sa “unhealthy” level ang kalidad ng hangin sa Singapore sa pinakaunang pagkakataon sa loob ng tatlong taon dahil sa forest fire sa Indonesia.

Base sa 24-hour Pollution Standards Index na ginagamit ng National Environment Agency ng Singapore bilang benchmark, nasa 100 na ito at maituturing na masama sa kalusugan.