-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit tatlong milyon ang nawalan ng kita at trabaho sa buong bansa dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID0-19 pandemic.

Ayon sa datus ng Department of Labor and Employment (DOLE) mayroong 3,023,587 na manggagawa ang naapektuhan.

Aabot naman sa 107,148 na mga negosyo ang nagdesisyon na magkaroong temporary closure o mag-adopt ng flexible work arrangement mula ng magsimula ang pandemic.

Sa nasabing bilang mayroong 1,993,314 na manggagawa ang naapektuhan ng temporary closure at 1,160,663 naman ang naapektuhan ng flexible work arrangement.

Nanguna ang National Capital Region (NCR) na sinundan ng Calabarzon at Central Luzon.