-- Advertisements --

Mayroon ng mahigit 44,000 na ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na tumaas ang bilang ng mga nais magpakuna matapos na naunang magpabakuna ang mga doctor.

Nitong Marso lamang ay mayroong 1,125,600 na doses na COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa.

Sa nasabing bilang ay mayroong 600,000 ang mula sa Sinovac habang 525,600 naman ang mula sa AstraZeneca na donasyon mula sa Covax facility ng World Health Organization.