-- Advertisements --

Nasa 92 percent daw ang nakakumpleto ng exam sa huling araw ng 2022 Bar examinations.

Ayon sa Supreme Court (SC) Public Information Office nasa 9,183 sa 10,006 bar examinees ang nag-take at nakakumpleto sa test kaninang hapon.

Katumbas ito ng 91.77 percent attendance rate na mas mababa sa 9,190 o 91.84 percent ng mga dumalo sa ikatlong araw ng bar exams ngayong taon.

Sa afternoon session, nasa 823 absent applicants habang nasa 9,184 sa 10,006 o 91.78 percent ng mga applicants ang present kaninang umaga.

Karamihan sa mga mayroong absent applicants ay naitala sa Ateneo de Manila University (ADMU) testing center na mayroong 304.

Sinundan ito ng University of Cebu-Banilad sa Visayas na mayroong 82 examinees at Ateneo de Davao University sa Mindanao na may 75 examinees.

Una nang sinabi noon ng Korte Suprema sa mga hindi makakapag-take ng Bar exams dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Paeng na puwede silang mag-apply para sa refund ng kanilang fees.

Naitala naman sa ADMU testing center ang pinakamaraming bilang ng examinees na mayroong 2,225.

Sakop ng Sunday exams ang Remedial Law I sa umaga at Remedial Law II (basic tax remedies) and Legal Ethics naman sa hapon.

Ang unang tatlong araw ng examinations ay isinagawa noong November 9, 13 at 16.

Nagsilbing Chairperson ng 2022 Bar examinations committee si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa.