-- Advertisements --

Naglabas ang korte sa South Korea ng warrant of arrest laban sa dati nilang pangulo nai Yoon Suk-yeol.

Ang nasabing kaso ay kasunod ng pagpapatupad niya ng martial law noong Disyembre 3.

Nitong Miyerkules ay dumalo si Yoon sa korte sa Seoul para sa pitong oras na pagdinig ukol sa pag-aaral ng arrest warrant na hiniling ng mga prosecutors.

Si Yoon ay tinanggal sa puwesto bilang pangulo ng Constitutional Court ng South Korea noong Abril dahil sa martial law attempt kung saan inabuso umano nito ang kaniyang kapangyarihan.

Noong Disyembre 14 din ng nakaraang taon ay nagbotohan ang Parliiyemtno na siya ma-impeach subalit kailangan pa itong aprubahan ng Constitutional Court.

Noong Enero ay inaresto si Yoon habang siya ay pangulo at pinakawalan nonog Marso matapos mabaligtad ang kaniyang pagkakaaresto.

Subalit tinanggap ng Seoul Central District Court ang argumento ni Special Prosecutor Cho Eun-suk na dapat maaresto si Yoon dahil sa posibilidad na sirain niya ang mga ebidensiya.

Nahaharap si Yoon sa mga reklamong abuse of power, falsifying official documents at obstruction of official duties, ganun din ang mga kasong may kaugnayan sa tangka nitong pag-implementa ng martial law sa South Korea.

Itinanggi ni Yoon ang alegasyon ng prosecutor na isang uri ng rebellion at tangka nitong pagkuha ng puwesto ng matagalan ganun din ang balak na pagpapakulong sa kaniyang mga kalaban sa pulitika.

Noong Hunyo ay nagwagi sa halalan ang matinding katunggali ni Yoon na si Lee Jae-myung.