CHINA COVID vax vaccine
-- Advertisements --

Pumalo na sa halos 2.5 bilyon ang bilang ng mga naturukan ng COVID-19 vaccines sa China.

Nitong Martes kasi ay nakapagbakuna ang China ng mahigit 6.5 milyon ng kanilang residente.

Ayon sa National Health Commission ng China na pinapabilisan nila ang pagpapabakuna para maiwasan na ang pagkakaroon ng lockdown.

Nagtala kasi ang nasabing bansa ng panibagong 19 kaso nitong nakaraang araw.