-- Advertisements --
Ibinunyag ng Taiwan na mayroong mahigit 70 na mga Chinese military aircraft ang dumaan sa kanilang teritoryo sa loob lamang ng 24 oras.
Ang nasabing insidente ay nangyari ilang araw matapos ang paglayag ng barko ng United Kingdom sa Taiwan Strait.
Patuloy aniya ang China na pinapalakas ang deployment ng mga fighter jets at naval vessels sa Taiwan.
Ipinagpipilit kasi ng China na bahagi pa rin nila ang nasabing Isla subalit ito ay tinatanggi ng Taiwan.
Mas nagalit pa ang China dahil sa pagiging malapit ng Taiwan sa US .
Magugunitang noong Hunyo 18 ng naglayag ang British Royal Navy patrol vessel HMS Spey sa Taiwan Strait kung saan kinondina ito ng China at sinabing lalo lamang silang nagdadala ng gulo.