-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na nagkaroon ng delay sa repatriation ng 31 overseas Filipino workers mula sa Middle East matapos na pansamantalang suspendihin ng Qatar ang kanilang air traffic dahil sa pag-atake ng Iran sa US military base sa Doha.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang lahat ng ito ay nasa ligtas at nasa maayos na kalagayan.

Kinabibilangan ito ng 26 OFWs na mula sa Israel, tatlo na mula sa Jordan, isa sa Palestine at isa ang mula sa Qatar.

Paliwanag ni Cacdac na nagbukas na ang Qatari airspace at hinihinitay na lamang ang kumpirmasyon ng kanilang bagong byahe .

Patuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng mga kinatawan ng ahensya sa mga apektadong Pilipino kabilang na ang mga nag avail ng repatriation program ng gobyerno.

Pinayuhan naman ng kalihim ang lahat ng mga OFWs sa mga apektadong bansa na maging mapagmatyag at kalmado.