POGO senate hearing chiong
Senate inquiry on BI pastillas scheme

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga iba pang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na masisibak dahil sa kurapsyon na nagaganap na tinaguriang “pastillas scheme” para papasukin ang mga Chinese nationals.

Sinabi ng Pangulo na kaniyang tatanggalin ang mga nasangkot sila ay makakasuhan.

Ipapaubaya naman niya sa Kongreso ang kapalaran ni Bureau of Immigration (BI) chief Jaime Morente kung saan isinasagawa ang imbestigasyon sa nasabing kurapsyon.

Umaasa rin ito sa ginagawa ring imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa nasabing usapin.

Una nang nagpatawag din ang Senado ng imbestigasyon sa naturang iskandalo.

-- Advertisement --