-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala ang mga mangingisda ng Venezuela dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng US sa mga barko na may dalang iligal na droga.
Mula pa noong nakaraang buwan ay mayroong anim na operasyon na isinagawa ang US kung saan tinamaan sa kanilang airstrike ang mga bangka na may dalang droga.
Aaabot na sa 27 katao na ang nasawi na lulan ng nasabing mga bangka.
Nagsasagawa ng patrolya ang US forces sa Caribean Sea bilang bahagi ng military operation na target ang mga “narco-terrorist” na konektado kay Venezuelan President Nicolas Maduro.
Mas lalong tumindi ang tensiyon sa US at Venezuela matapos magbanta si US President Donald Trump na ikinokonsidera niyang magsagawa ng pag-atake sa Venezuela.