Hanggang sa ngayon bigo pa rin ma-account ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nawalang shabu na nagmula sa apat na magnetic lifters na natagpuan sa General Mariano Alvarez sa Cavite.

Ayon kay PDEA Spokesperson Dir. Derrick Carreon, batay sa mga ikinasang operasyon ng PDEA at Pulisya, may ilang shabu na aniya silang natukoy na nagmula sa mga naipuslit mula sa Manila International Container Port.

Bagama’t nakasuhan na aniya ang ang nasa likod ng mga nakapuslit na shabu mula MICP at may hawak na silang isang suspek sa Cavite pero nananatili pa ring at large ang iba pang sangkot dito.

Pagbibigay-diin ni Carreon na hindi tumitigil ang PDEA sa pag iimbestiga ukol dito.