-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umabot na sa 15 katao ang naka-close contact ng dalawang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) positive na mga pari sa Lungsod ng Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Bernard Caspe, pinuno ng City Health Office, sinabi nito na Hunyo 23 nang umuwi ang dalawang pari mula sa Metro Manila at nagpositibo sa confirmatory test.

Napag-alamang habang hindi pa inilabas ang resulta ng reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test, kumain pa ang dalawa sa isang fast food chain sa lungsod, pumunta sa tatlong bangko, isang coffee shop, at isang courier service, at dumalo sa isang meeting sa isang paaralan kung saan nakasalamuha ang 10 guro.

Ayon pa sa imbestigasyon, dumalo rin ang dalawang pari sa isang misa kung saan limang madre ang kanilang naka-close contact na ngayon ay isinailalim na rin sa swab test.