-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Police Commission (NAPOLCOM) na dismissed na sa serbisyo si Patrolman Steve Francis Fontillas matapos na magviral sa social media platforms dahil sa pagppakita nito ng suporta kay dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte.

Sa isang pahayag n inilabs ng NAPOLCOM, isang unanimous desicison ang naging pagsibak sa serbisyo kay Fontillas sa naging summary dismissal proceedings ng en banc.

Sa naging deliberasyon nahatulan si Fontillas na guilty sa grave misconduct, conduct unbecoming of a police officer at disloyalty to the government na siyang naging grounds para habangbuhay na itong matanggal na serbisyo bilang pulis.

Maliban sa mg parusang ito ay hinatulan rin ng penalty for perpetual disqualification from pubic service ang viral na pulis.

Samantala, nauna na dito ay nagbitiw na rin mismo sa kaniyang trabaho si Fontillas na siyang tinanggap naman ng Philippine National Police (PNP) at naging epektibo, Abril 10, ngayong taon.