-- Advertisements --
Umabot sa 1,296 na wanted persons ang naaresto sa Metro Manila noong Abril, ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Huwebes. Kabilang dito ang 528 na “most wanted persons” at 768 na “other wanted persons.”
Ayon sa NCRPO, layon ng pinaigting na kampanya ang pag-alis ng mga mapanganib na kriminal gaya ng mamamatay-tao at rapist mula sa mga komunidad.
Pinuri rin nila ang matagumpay na pagkakaaresto sa 9 sa 10 “Top Ten Most Wanted Persons” sa rehiyon para sa Abril 2025.
Pinakamaraming naarestong wanted sa Quezon City Police District (297), sinundan ng Southern (282), Manila (273), Northern (247), at Eastern Police District (197).