Aabot sa mahigit 5,000 na mobile subscriber identity ang maaaring naacess ng umano’y spy na Chinese national na naaresto kamakailan malapit sa headquarters building ng Commission on Elections.
Ito ang kinumpirma sa mga kawani ng Media ng National Bureau of Investigation ngayong araw.
Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, ito ay sa pamamagitan ng ginamit na international mobile subscriber identity (IMSI) catcher.
Aniya , ito ay nakakakuha ng mga sensitibong data at mga impormasyon katulad ng mga text messages, mobile number at maging ang record ng mga tawag sa telepono.
Paliwanag nito na kayang maaabot ng international mobile subscriber identity catcher ang layo na 500 meters hanggang tatlong kilometro.
Sinasabing nag-ikot ang naturang spy sa mga area ng Supreme Court, DOJ, Villamor Air Base, BIR at COMELEC.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng NBI sa naturang isyu.