-- Advertisements --

Muling dumating at nagsagawa ng kilos protesta ang grupong League of Bangsamoro Organizations ngayong araw sa harap ng Korte Suprema.

Grupo, binubuo ng mga Muslim, kanilang panawagan na maituloy at hindi maudlot ang kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections.

Nakatakda sanang isagawa ang naturang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa darating na ika-13 ng Oktubre ngayong taon kasalukuyan.

Kaya’t bilang isa sa mga petitioner, kinondena ni Maulana Mamutuk ang posibilidad na ipagpaliban muna ng Commission on Elections ang eleksyon sa Bangsamoro.

Aniya’y wala namang sapat na basehan ang komisyon para ito’y hindi isagawa sapagkat wala din umanong naganap na force majeure, kaguluhan o pagkasira ng election materials.

‘Alibi’ lamang raw ng Commission on Elections ang inisyung Temporary Restraining Order ng Korte Suprema kamakailan ukol sa implementasyon ng redistricting sa Bangsamoro.

Kaya’t pangamba anila na kung pinal na ang pagpapaliban sa naturang eleksyon, posible itong maulit sa iba at susunod pang mga eleksyon.