Ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang petisyon para madiskwalipika ang kandidatura ni Edgar Erice bilang kinatawan sa ikalawang distrito ng Caloocan City.
Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, binaliktad o ni-reverse ng Supreme Court En Banc ang naunang ruling ng Commission on Elections.
Maaalalang nadiskwalipika si Erice dahil sa alegasyong paglabag sa Omnibus Election Code o OEC.
Kung saan nag-ugat ito sa mga pahayag ni Erice na umano’y nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa eleksyon partikular sa mga automated counting machines na ginamit.
Dahil rito’y naghain ng petisyon si Erice sa Korte Suprema para mag-isyu ng Temporary Retraining Order kontra desisyon ng COMELEC na siyang pinagbigyan naman.
Habang sa desisyon ngayon ng Korte Suprema ay tuluyan ng ibinasura ang ‘disqualification’ kay Erice ng naturang komisyon.