Naniniwala ang kasalukuyang alkalde ng Tarlac na si Mayor Susan Yap-Sulit na mayroon pa ring paraan para tutulan ang ‘diskwalipikasyon’ ng Commission on Elections kontra sa kanya.
Giit niya’y mandato nito ay mula at nanggaling sa taumbayan na nagluklok sa kanya bilang alkalde ng lungsod.
Kung saan nanawagan si Tarlac Mayor Yap-Sulit sa publiko at mga opisyal ng komisyon na kilanlin umano ang mga bumuto noong halalan.
Kanya pang sinabi na handa raw siyang magsumite ng mga dokumento at ebidensya para lamang patunayan na hindi tunay ang alegasyon ibinabato sa kanya.
Alinsunod rito’y nagsagawa naman demonstrasyon ang ilang grupo sa Tarlac upang ipakita ang kanilang suporta kay Mayor Yap-Sulit.
Maaalalang nagkaroon ng isyu sa one-year residency ni Yap-sulit sa Tarlac na siyang requirement sa Barangay Tibag, kung saa’y sinabi ng ‘en banc’ na di’ niya natugunan.
Subalit ito’y pinabulaan lamang ng alkalde sa iprinesentang mga dokumento, ID, larawan, at video nagpapatunay na siya’y naninirahan sa Tarlac City.
















