Umapela ang Federation of Philippine Industries (FPI) sa gobierno ng bansa na bantayan ang pagpasok ng mga peke at substandard na produkto sa Pilipinas.
Ito ay dahil na rin aniya sa paglobo ng mga naturang produkto, lalo na ang mga nagmumula sa bansang China.
Hiniling ni FPI Chairman, Dr. Jesus L. Arranza sa Bureau of Product Standards (BPS) at Food and Drug Administration (FDA) na palakasin ang pagbabantay, inspection, at pagsusuri sa mga produktong gawa sa TSina dahil sa ilang beses na aniyang bumabagsak ang marami sa mga ito sa serye ng pagsusuri sa bansa, alinsunod na rin sa mga itinatakda ng Philippine at international standards.
Marami aniya ang mga mapagsamantalang Chinese taders na sinusubukang magtapon ng kanilang produkto sa mga bansang may mahihinang regulasyon upang makabawi sa ipinataw na mas mataas na taripa ni US Pres. Donald Trump.
Kasama sa mga tinatarget na pagdadalhan ng mga substandard na produkto aniya ay ang Pilipinas.
Tiniyak ni Dr. Arranza ang kanilang kahandaan na makipagtulungan sa gobiyerno para palakasin ang kampanya laban sa pagpasok at pagbebenta ng substandard na mga produkto sa bansa. (report by Bombo Jai)