Muling binuksan ng Department of Transportation (DOTr) ang aplikasyon para sa consolidation ng mga public utility vehicles (PUVs) sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP).
Batay sa Department Order No. 2025-009 na nilagdaan ni Transportation Secretary Vince Dizon saklaw nito ang mga jeepney at UV Express operators na hindi pa consolidated, may pending application, o may motion to accept consolidation, basta’t rehistrado ang kanilang mga unit sa Land Transportation Office (LTO) mula 2023 o 2024 at may kumpirmasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Layunin ng PTMP na palitan ang mga lumang jeepney ng mas environment-friendly at roadworthy na modern units.
Ayon sa DOTr, 86% ng PUV operators ang nag-apply para sa consolidation ngunit nasa 40% pa lamang ang naaaprubahan.
Binigyang-diin ni Secretary Dizon na bukas siya sa mga pagbabago sa programa upang matugunan ang hinaing ng transport groups.