-- Advertisements --

BANGKOK, Thailand – Nakaalerto ngayon ang mga bansang karatig ng Laos dahil sa umano’y mga kaso ng anthrax na naitala dito.

Sa inisyal na ulat, 50 suspected human cases na ang nai-record.

Ang anthrax ay sinasabing kumakalat sa pamamagitan ng bacteria, kung saan madaling tinatamaan nito ay mga hayop.

Pero sa mga bagong kaso ay may mga tao na ring kinakapitan nito, kung saan may mga sitwasyong humahantong sa kamatayan.

Kaya naman, nag-utos na si Thai Prime Minister Srettha Thavisin na higpitan ang pag-monitor sa naturang sakit upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga kababayan.

Maliban dito, nagpa-iral na rin ng sari-sariling pagbabantay ang iba pang bansa ukol sa naturang isyu. (AFP)