Suspendido na rin ang lahat ng klase sa Martes, Nobyembre 11, 2025, sa ilang rehiyon ng bansa dahil sa Super Typhoon Uwan (international name: Fung-Wong), ayon sa anunsiyo ng Malacañang nitong Linggo.
Sakop ng suspensiyon ang mga sumusunod na rehiyon sa:
- National Capital Region
- Cordillera Administrative Region
- Region I
- Region II
- Region III
- Region IV-A
- Region IV-B
- Region V
- Region VIII
- Region VI
- Region VII
- Negros Island Region
Kaugnay nito una nang sinuspinde ng Malacañang ang lahat ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa 12 rehiyon sa bansa sa Lunes, Nobyembre 10 bilang paghahanda sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan.
Sakop ng suspensyon ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Eastern Visayas, Western Visayas, Central Visayas, at Negros Island Region.
Bukod dito, sinuspinde rin ng Malacañang ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Lunes, Nobyembre 10, sa mga rehiyong Metro Manila, CAR, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Eastern Visayas.
Naglabas din ng kanya-kanyang anunsyo ang mga lokal na pamahalaan, kung saan karamihan ay nagkansela ng klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Kabilang sa mga nagkansela ng klase ang lahat ng lungsod sa Metro Manila, ilang bayan sa Cagayan at Isabela, pati na rin ang mga probinsya sa Central Luzon, Calabarzon, Ilocos, at Visayas.















