Nagpalabas ng abiso ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kaugnay ng maramihang kanselasyon ng mga biyahe ngayong araw, Nobyembre 9, 2025, dulot ng umiiral na Super Typhoon Uwan.
Apektado ang mga rutang patungo sa Bicol Region, Eastern Visayas, Mindoro, at ilang bahagi ng Northern Luzon, dahil sa storm signals at kanseladong biyahe sa mga pantalan gaya ng Batangas, Matnog, Tabaco, at Pilar Ports.
Kabilang sa mga operator na nagkansela ng biyahe ay ang Ceres Transport, DLTB, Superlines, RORO Bus, Philtranco, Peñafrancia, Alps, Solid North, at iba pa.
Karamihan sa mga kanselasyon ay bunsod ng hindi ligtas na kondisyon sa karagatan at malalakas na hangin habang papalapit ang bagyo.
Para naman sa status ng ilang mga biyahe ngayong araw:
CAVITE
- Saulog
- Cavite City – Estimated last trip: 3:30pm
- Naic- Estimated last trip: 4:30pm
LAGUNA
- Sta Cruz- Normal Ops
- Balibago- Stop Ops (last trip 11:30am)
BATANGAS- Limited Trips
QUEZON
- Lucena- Limited Trips
- OLONGAPO
- Saulog – Stop Ops (last trip 12:30pm)
- Victory – Normal Ops
- Baguio – Stop Ops (last trip 11:30am)
- San Jose, Nueva Ecija- Stop Ops (last trip 1pm)
Pinayuhan ng PITX ang mga biyahero na makipag-ugnayan sa kani-kanilang bus operators para sa rebooking o rescheduling ng mga biyahe, at manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo ng terminal para sa mga susunod na update.
















