-- Advertisements --

Patuloy na mabilis ang paglakas ng bagyong Uwan habang ito ay papalapit sa silangang bahagi ng Luzon.

Huling namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa layong 195 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes, taglay ang lakas ng hanging 175 km/h malapit sa sentro at pagbugso na umaabot sa 215 km/h.

Kumikilos ito sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 35 km/h.

Umaabot hanggang 800 kilometro mula sa sentro ang saklaw ng malalakas na hangin ng bagyo.

Signal No. 4: Polillo Islands, silangan at gitnang bahagi ng Camarines Norte, silangang bahagi ng Camarines Sur, Catanduanes, at silangang bahagi ng Albay.

Signal No. 3: Southern Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Kalinga, Abra (southern portion), Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur (central at southern portion), La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Aurora, Metro Manila, Cavite, silangang Batangas, Laguna, Rizal, natitirang bahagi ng Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Ticao at Burias Islands, Northern Samar, hilagang Eastern Samar, at hilagang Samar.

Signal No. 2: Natitirang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao, Abra (rest), Ilocos Norte, Ilocos Sur (rest), Batangas (rest), Occidental Mindoro (north at central portion), Oriental Mindoro (north at central portion), Marinduque, hilaga at silangang Romblon, Masbate (rest), Eastern Samar (rest), Samar (rest), Biliran, at hilagang Leyte.

Signal No. 1: Batanes, natitirang bahagi ng Romblon, Oriental Mindoro (rest), Occidental Mindoro (rest), Calamian Islands, Cuyo Islands, Leyte (rest), Southern Leyte, Bohol, hilaga at gitnang bahagi ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, hilaga at gitnang Negros Occidental, hilagang Negros Oriental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Dinagat Islands, Surigao del Norte, hilagang Agusan del Norte, at hilagang Surigao del Sur.