-- Advertisements --
Naglabas ng Maritime Safety Advisory ang Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Nobyembre 3, 2025, kaugnay ng epekto ng masamang panahon sa operasyon ng mga pantalan sa bansa.
Ayon sa ulat ng PCG, 42 pantalan ang apektado sa iba’t ibang rehiyon, kung saan maraming pasahero at sasakyang pandagat ang hindi nakabiyahe.
Mga stranded:
988 pasahero
302 rolling cargoes
24 vessels
Taking Shelter:
161 vessels
21 motorbancas
Patuloy ang koordinasyon ng PCG sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at tripulante.
Pinapayuhan ang publiko na makinig sa mga opisyal na abiso at iwasan muna ang paglalayag hangga’t hindi bumubuti ang lagay ng panahon.
















