Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng pamahalaan upang manatiling naka-full alert at tiyakin ang kaligtasan ng publiko habang patuloy na lumalakas ang Bagyong Uwan na kasalukuyang papalapit sa Hilagang Luzon.
Panawagan ng Pangulo na magkaisa tayo dahil ang bawat segundo ay mahalaga.
Pinapaalalahanan din ng Punong Ehekutibo ang lahat na manatiling mahinahon at huwag maging kampante.
Sumunod sa mga abiso ng mga lokal na pamahalaan at agad lumikas ang mga nakatira sa mga delikadong lugar.
Ihanda na rin ang mga pangunahing pangangailangan at manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mabilis na lumakas ang Bagyong Uwan sa nakalipas na 24 oras habang nasa karagatan ng Pilipinas, at posibleng lalo pa itong lumakas, batay sa babalang inilabas ng ahensya.
Nitong Sabado ng umaga, iniulat ng PAGASA na tumaas ang pinakamalakas na hangin ni Uwan mula 130 kilometro bawat oras patungong 140 km/h, habang ang bugso ng hangin ay umabot na sa 170 km/h mula 160 km/h.
Ipinahayag ng Pangulo na ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nag-deploy ng mga bus at truck para sa mga evacuation o paglikas. habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG) ay nakaposisyon na ang mga sasakyang pang-rescue, lifeboats, at mga relief goods sa mga lugar na mataas ang panganib.
Dagdag pa ng Pangulo, ang DOTr at LTFRB ay nakapag-deploy ng mga bus at truck para sa evacuation, habang ang DSWD, DPWH, AFP, at Coast Guard ay may mga nakaposisyong sasakyang pang-rescue, lifeboats, at relief goods sa mga lugar na maaaring tamaan ng bagyo.
Sinabi ng Pangulo na suspendido ang toll fees para sa mga emergency convoy at responders, may inilaan ding espesyal na lane upang mas mabilis nakarating sa mga high-risk areas.
Habang ang MMDA at mga lokal na pamahalaan ay nagsasagawa ng paglilinis sa mga daluyan ng tubig at pagtatanggal ng mga sagabal sa mga kalsada.
Binuksan din ng ilang mall at gusali ang kanilang mga parking area upang magamit ng mga residente sa mga lugar na madalas bahain.
Dagdag pa ng Pangulo, sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of the Interior and Local Government (DILG), isinasagawa na ang pre-emptive evacuation upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa mga lugar na nasa panganib bago tuluyang mag-landfall ang Bagyong Uwan.
Sa kabilang dako, Defense Sec. Teodoro todo paalala sa ating mga kababayan partikular sa mga dapat gawing paghahanda.
















