Nagpakita ng kakaibang “beauty with a purpose” ang mga kandidata ng Miss Asia Pacific International 2025 nang magtulungan sila sa pagre-repack ng mga relief goods sa warehouse ng Kapitolyo!
Hindi lang basta mukha ang ipinakita ng mga dalaga, kundi pati na rin ang kanilang malasakit at kagustuhang magbigay tulong sa mga kapwa Pilipino.
Bukod sa mga tiara at gown, ang tunay na ganda ay nasa puso’t pagkilos.
Bagama’t naranasan din ng mga ito ang naturang lindol, ay hindi pa rin ito naging hadlang at nag-abot pa rin ng tulong sa pamamagitan ng pagrerepack.
Matatandaan na ginanap ang kompetisyon ng pageant nitong lungsod ngunit itinigil matapos ang pagyanig ng malakas na lindol
Samantala, umabot na sa mahigit 5,000 student-volunteers ang tumulong sa pag-repack ng mga relief goods para sa mga apektadong pamilya ng lindol.
Ayon sa ilang student volunteers, sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu na handa silang magtulungan dahil naaawa sila sa mga apektado at habang walang pasok, nais nilang magsanib-puwersa at ilalaan ang oras sa pagtulong.