-- Advertisements --

Nagpatupad ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng mga pansamantalang road closure at rerouting scheme para sa mga motorista sa Malate ngayong Sabado, Hunyo 27, kaugnay ng Manila Pride Parade 2026.

Magsisimula ang mga pagbabago sa daloy ng trapiko alas-8 ng umaga mamaya.

Ilang kalsada sa paligid ng Remedios Circle ang pansamantalang isasara, kabilang ang Remedios Circle, Jorge Bocobo Street mula San Andres Street hanggang Remedios Circle, at Remedios Street mula Jorge Bocobo Street hanggang Guerrero Street.

Screengrab from @Manila PIO

Ang mga manggagaling naman sa San Andres Street ay pinapayuhang dumaan sa Guerrero Street, habang ang mga galing Adriatico Street ay kailangang kumaliwa sa Gen. Malvar Street para makarating sa kanilang destinasyon.

Magpapatupad din ng stop-and-go traffic scheme sa ilang pangunahing kanto sa San Andres Street, A. Mabini Street, Adriatico Street, Pedro Gil Street, at Gen. Malvar Street.

Layunin ng mga hakbang na ito na mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng publiko habang isinasagawa ang parada.