Idineklara ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar na pwede na ulit daanan ang mga kalsada sa Albay at Camarines Sur.
Dahil na rin ito sa pagtutulungan ng DPWH Regional Office 5 at District Engineering Offices (DEF) para sa mabilisan at malawakang clearing operations sa mga nabanggit na lugar.
Labis ang pasasalamat ni Villar sa DPWH Sorsogon at DEOs dahil sa kanilang mga ipinadalang dagdag na tauhan at equipment sa Albay na naging daan umano upang mas mapabilis ang pagbubukas ng mga kalsadang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Kasalukuyan na rin daw pinag-aaralan ng ahensya na dagdagan pa ang kanilang team sa Catanduanes para maging mabilis na rin ang clearing operations dito.
Sa ngayon ay tatlong national roads na lamang sa Catanduanes ang hindi pa rin madaanan ng mga motorista dahil sa mga bumagsak na puno, poste ng kuryente at landslides.
Nagpapatuloy naman ang clearing operation ng DPWH Quick Response Teams sa Catanduanes Circumferential Road. Lalong lalo na sa bahagi ng Barangay Balongbong, Bato Town; Barangay Libod, Panda Town; Barangay Puting Baybay, San Andres Town; at iba pang intermittent sections sa munsipalidad ng San Miguel at San Andreas.
Pinag-aaralan na rin ng DPWH na buksan ang mga hradly-passable o one-lane passable road sections sa baybayin ng Catanduanes Circumferential Road mula sa Belmonte, San Andres papuntang Barangay Francia, Virac Town.
Gayundin sa Barangay Marinawa, Bato Town, at sa munisipalidad ng San Miguel at San Andres.