-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Isusulong pa rin ng mga naiiwan na mga taga-sunod ni late USAFFEE founder Atty Ely Pamatong ang programang politikal nito sa 2022 elections kahit na pumanaw na ito dahil nagka-cardiac arrest habang nanatili sa kanyang kampo sa Arayat, Pampanga noong Hulyo 2022.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ng kanyang personal spokesperson na si Rameses Casten na nakikipag-alyansa umano sila ng ilang mga kandidato na mayroong kakayahan na dadalhin ang mga plataporma de gobyerno para sa taong-bayan.

Sinabi ni Casten na nasa kasalukuyan umano silang negosasyon mula sa hindi muna pinangalanan na ilang presidential to senatorial candidates para maisusulong ang ipinaglaban ni Pamatong noong buhay pa ito.

Kabilang sa mga isinulong umano nang yumaong pinuno nila ay ang paglaban ng soberanya ng Pilipinas na niyurakan ng China sa usaping West Philippine Sea at ang libreng edukasyon mula elementarya hanggang magtapos ng kolehiyo at sa usaping pang-kalusugan.

Maliban rito ay nasa pag-uusap rin umano ang naiiwan na para-military generals ni Pamatong upang isaayos ang organisasyon at iwasan na magkahiwa-hiwalay ang mga miyembro na nakabase sa ilang bahagi ng bansa.

Si Pamatong ay naging kontrobersyal dahil sa makailang beses na pagka-deklara na nuissance candidate nang tumakbo bilang pangulo ng ilang halalan sa bansa at ang pag-claim niya na lehitimo na pang-16 na presidente at hindi si incumbent President Rodrigo Duterte.