-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi niya nakakalimutan ang naunang pahayag ukol sa planong pag-iimbestiga sa mga usaping may kaugnayan kay VP Sara Duterte.

Sa isang exclusive interview ng Bombo Radyo, sinabi ni Remulla na nakatuon pa lamang ang kanilang atensyon sa usapin ng flood control scandal, ngunit maaaring sa mga susunod na pagkakataon ay balikan din ang iba pang mga isyu.

Ayon sa kanya, ayaw ng Ombudsman na mag-aksaya ng oras, lalo’t impeachable officer si VP Sara, kaya mas mainam na sa impeachment court muna himayin ang mga reklamo laban dito.

Ang mga nalikom na impormasyon ng Impeachment Court ay maaari ring hingin bilang bahagi ng pagkalap ng datos, alinsunod sa kapangyarihan ng Office of the Ombudsman.

Samantala, nananatili aniya ang commitment ng anti-graft body na lahat ng may kinalaman sa katiwalian ay maaaring maimbestigahan.