-- Advertisements --
Ibinabala ang mga insidente ng baha sa Metro Manila at apat na iba pang lugar dahil sa epekto ng habagat ngayong araw ng Lunes, Hulyo 21.
Ito ay matapos itaas ang yellow rainfall warning sa naturang mga lugar, kung saan inaabisuhan ang mga residente na maaaring makaranas ng mga pagbaha sa mga flood-prone areas.
Maliban sa Metro Manila, nakataas ang yellow rainfall warning sa Bataan, Cavite, Zambales at Batangas.
Ayon sa state weather bureau, inaasahan ang 50 hanggang 100 milimetrong ulan sa NCR, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas at Occidental Mindoro.