-- Advertisements --
palace briefing DFA PCOO DOH

Aminado ang Department of Tourism (DOT) na lumalaki ang epekto ng COVID-19 sa sektor ng turismo sa bansa.

Sa Laging Handa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni Tourism Undersecretary Benito Bengzon na maraming manggagawa sa tourism industry ang apektado dahil sa mababang bilang ng tourists arrivals.

Ayon kay Usec. Bengzon, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa emergency work program na maaaring maa-avail ng mga apektadong manggagawa.

Kasabay nito, hinikayat din ng DOT ang mga local airline carriers na damihan ang mga domestic flights matapos magkaroon ng mga travel ban at restrictions sa ibang bansa.
Dapat din daw magpatupad ng 30% hanggang 70% discount ang mga hotel at resorts para maging competitive ang mga rates sa ibang bansa sa Southeast Asia.

Una nang lumutang ang impormasyon na aabot sa mahigit P40 billion ang magiging lugi ng turismo sa bansa mula Enero hanggang Abril.

Boracay station 1