-- Advertisements --

Magsasagawa ng pagtitipon ang ilang mga progresibong grupo ngayong Mayo 1 o ang Araw ng paggawa (Labor Day).

Pangungunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at ilang mga labor groups ang pagtitipon na gaganapin sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila.

Ipapapanawagan nila ang P1,200 family living wage sa buong bansa.

Kinokondina din ng grupo ang rehimeng US- Marcos dahil sa pag-atake sa mga kilusang paggawa at hindi pagtugon sa panawagan ng mga manggagawa sa nakakabuhay na sahod.