-- Advertisements --

Bumalik na sa normal ang mga domestic flights sa US matapos ang naganap na computer glitch.

Ayon sa US aviation authorities na nagkaaberya ang sistema na nag-aalerto sa piloto sa posibleng panganib.

Umabot ng ilang oras na naantala ang lahat ng mga flights papalabas ng US dahil sa insidente.

Inaalam na rin ng mga Federal Aviation Administration (FAA) ang pagkakaroon ng aberya ng kanilang Notic to Air Mission (NOTAM) system.