-- Advertisements --

Tumambad ang halos isang daang master cases ng pinaghihinalaang smuggled cigarettes na may tinatayang halaga na P14 milyon sa isinagawang operasyon sa pampang ng Brgy. Campo Islam, Zamboanga City nitong Martes, Setyembre 22.

Ayon sa Zamboanga PNP, natuklasan ang kargamento na naglalaman ng ipinuslit na sigarilyo nang mabigyan ito umano ng tip ukol sa isang abandonadong motorboat.

Dito, nakumpiska ang 94 master cases at 36 reams ng branded na sigarilyo, kabilang ang motorboat na maaaring paraphernalia sa pagpupuslit ng nasabing produkto, ang narekober sa operasyon ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan at pinaghahahanap ng awtoridad ang nagmamay-ari ng nasabing bangka at ng milyong halaga ng umano’y ipinuslit na sigarilyong karga nito.

Samantala, inilipat naman na sa kustodiya ng Bureau of Customs ng Port of Zamboanga ang nasabing kontrabando para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.