LAOAG CITY – Aabot sa 18 sachet ng hinihinalang druga at isang rifle grenade ang narekober ng mga kasapi ng Philippine National Police mula sa bahay ng subject sa Brgy. 1 dito sa lungsod ng Laoag.

Nakilala ang subject sa search operation na si Rogelio Aquino Jr alyas Rap-rap.

Base sa search warrant, nakasaad na hahanapin ng mga otoridad ang iligal na druga sa kanyang kuarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nakuha ang 18 sachet ng iligal na druga sa isang kahon ng earphones habang nakuha ang rifle grenade sa isang bag na nakalagay sa cabinet.

Hindi naman nagpakita si Aquino sa isinagawang search operation sa kanyang bahay.

Emosyonal naman ang asawa ni Aquino habang nasa kanilang bahay at iginiit na inilagay o planted ang mga narekober ng mga otoridad.