Reading Time: 1 minute
Gen Oscar Albayalde
PNP Chief Albayalde

Welcome ang mga dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatants na maging bahagi sa pwersa ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief PGen. Oscar Albayalde, bukas ang kanilang organisasyon para sa mga dating MILF members pero dapat ma- meet ng mga ito ang itinakdang requirements ng Pambansang Pulisya.

Sinabi ni Albayalde, dadaan sa normal procedure ng PNP recruitment ang mga dating rebelde na nais maging kasapi ng PNP organization.

Hindi lamang sa MILF bukas ang PNP maging sa mga miyembro din MNLF.

Binigyang-diin ni Albayalde na dapat walang kaso o criminal records ang mga dating MILF fighters na aplikante sa pagka pulis.

Nilinaw ni Albayalde na hindi nila matatanggap bilang mga auxilliaries ang mga dating MILF combatants dahil hindi ito nakasaad sa batas.

“We cannot accept them as auxillaries kasi we are not allowed by the law,” wika ni PGen. Albayalde.

Sa kabilang dako, suporta ang magiging ambag ng PNP sa gagawing decommissioning sa nasa 40,000 MILF fighters.