-- Advertisements --

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga batas para sa dagdag na disability pension sa mga beterano, pagbibigay suporta sa MSME’s at pagpapalakas ng cultural heritage.

Ayon sa Presidential Communcations Office Secretary Cheloy Garafil, ipadadala na sa liderato ng Senado at Kamara ang hiwalay na transmittal letters na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Sinabi ni Garafil, kabilang sa inaprubahan ng Pangulo ay ang batas na magbibigay proteksyon sa kapakanan ng mga may kapansanan na military veterans o ang Republic Act 11958 o ang dagdag nilang disability pension.

Aprubado rin ang batas na magpapahusay sa sistema ng pagni negosyo sa bansa o Republic Act 11960 na nag iinstitutionalized o gawing matatag ang one town one product o Otop Philippines Program.

Layon nitong makapagbigay ng sapat at epektibong support services para sa local micro, small and medium enterprises o MSME’s.

Aprubado rin ng Pangulo ang Republic Act 11961 o ang batas na magpapalakas ng conservation at proteksiyon ng Philippine Cultural Heritage, sa pamamagitan ito ng cultural mapping at enhanced cultural heritage education program.