-- Advertisements --

Nagbabala ang kilalang convenience store laban sa isang vlogger na pumasok at humiga sa loob ng kanilang freezer upang gumawa ng ‘cool content’ para sa social media.

Ayon sa kumpanya, bukod sa pagiging delikado, nilabag umano ng mga ito ang kalinisan ng kanilang produkto sa loob ng freezer.

Dahil dito, handa na silang magsampa ng legal na aksyon laban sa sinumang uulit ng ganitong gawain.

Marami ring netizens ang nagpahayag ng suporta sa hakbang ng convenience store, at una nang inulan ng batikos ang mga vlogger na umano’y gumagawa ng mga delikadong content kapalit ng views at likes.